Friday, August 31, 2007

Tinapa Salad

Binibili ko ang beets at red cabbage sa Isabela Organic produce stand sa Sidcor (Sundays at the Lung Center). Sabi ng isang organics food expert na kaibigan ko, hindi naman talaga organic sila doon. Posible nga. But at least you can buy beets and red lettuce na mas mura.

Ingredients (para sa 4 people)
  • Tinapa (4 na piraso); galunggong ang masarap at hindi gaanong matinik
  • 1 apple
  • juice ng 1/2 lemon o 4 kalamansi
  • 2 beets
  • 3 carrots
  • 1 red lettuce (pwede rin namang green) (o kung salad lang kakainin mo, dalawahin mo na yung lettuce )
  • 1 avocado
  • Salad dressing (bahala ka na kung ano)
Procedure
  1. Himayin ang tinapa. Ihiwalay muna.
  2. Wash the beets and the carrots very thoroughly. Ako, hindi ko binabalatan ang mga rootcrops tulad ng beets, carrots, at potatoes. Gumagamit ako ng Scotch Brite na walang sabon para kuskusin yung balatng maigi sa ilalaim ng gripo. Nawawala ang sustansya kapag masyadong binabalatan kasi.
  3. Kayurin (grate) the carrots. Ihiwalay muna.
  4. Kayurin (grate) the beets. Ihiwalay muna. (Huwag pagsamahin ang carrots at beets muna.)
  5. Cut the apple into 1/2 inch cubes. Gamitin ang kalahati ng lemon o kalamnsi juice at tilamsikan ang apple cubes para hindi maging brown.
  6. Balatan the avocado. (Eto mga tips kung paano magbalat ng avocado.) Cut into 1/2 cubes. Gamitin ang natitirang kalamansi o lemon juice at tilamsikan ang avocado cubes para hindi maging brown.
  7. Hugasan ang lettuce, at gumamit ng salad spinner para matuyo. Kung walang salad spinner, gumamit ng manipis na twalya o basahang malinis at ipa-merry-go-round ng mabilis ang salad. O kaya gawin ito.
Okay, tapos na ang prep. Pagsama-samahin na ang lahat ng ingredients sa salad bowl na malaki! Tandaan na medyo maselan ang avocado, so use caution. Toss the salad with your choice of salad dressing. I recommend a mixture of sukang paumbong na pinainit ng kaunti, honey, toasted fennel seeds, at olive oil.

1 comment:

lee said...

saan po nakakabili ng salad spinner?