Ingredients (para sa 4 people)
- Tinapa (4 na piraso); galunggong ang masarap at hindi gaanong matinik
- 1 apple
- juice ng 1/2 lemon o 4 kalamansi
- 2 beets
- 3 carrots
- 1 red lettuce (pwede rin namang green) (o kung salad lang kakainin mo, dalawahin mo na yung lettuce )
- 1 avocado
- Salad dressing (bahala ka na kung ano)
- Himayin ang tinapa. Ihiwalay muna.
- Wash the beets and the carrots very thoroughly. Ako, hindi ko binabalatan ang mga rootcrops tulad ng beets, carrots, at potatoes. Gumagamit ako ng Scotch Brite na walang sabon para kuskusin yung balatng maigi sa ilalaim ng gripo. Nawawala ang sustansya kapag masyadong binabalatan kasi.
- Kayurin (grate) the carrots. Ihiwalay muna.
- Kayurin (grate) the beets. Ihiwalay muna. (Huwag pagsamahin ang carrots at beets muna.)
- Cut the apple into 1/2 inch cubes. Gamitin ang kalahati ng lemon o kalamnsi juice at tilamsikan ang apple cubes para hindi maging brown.
- Balatan the avocado. (Eto mga tips kung paano magbalat ng avocado.) Cut into 1/2 cubes. Gamitin ang natitirang kalamansi o lemon juice at tilamsikan ang avocado cubes para hindi maging brown.
- Hugasan ang lettuce, at gumamit ng salad spinner para matuyo. Kung walang salad spinner, gumamit ng manipis na twalya o basahang malinis at ipa-merry-go-round ng mabilis ang salad. O kaya gawin ito.
1 comment:
saan po nakakabili ng salad spinner?
Post a Comment