Monday, July 30, 2007

Mga Bawal

Iwasan o ipagbawal natin ang:
  • Fried foods (alam ko mahilig ako sa prito, pero dapat talaga siguro once a month lang)
  • mayonaisse
  • margarine (mas mabuti pa ang olive oil, o kaya butter)
  • maski ano na may white flour. Yes! Maski tinapay! At biscuit! At pasta! Masama ang white flour para sa kalusugan.
  • asin
  • processed foods at mga artificial foods. kasama na dito ang
    • instant noodles (waaaaaahhhh!) (mas maganda pa ang mani, hilaw na gulay, prutas, at iba pa)
    • de-lata na karne, isda, atbpa (palitan na lang natin ng tofu)
    • mga chicheria tulad ng Chippy, Piattos, at iba pang ubud ng sarap na pagkain (mas maganda pa ang mani, hilaw na gulay, prutas, at iba pa)
  • Eto ang pinakamahirap iwasan: white rice, at anything na gawa sa white rice. Masama ang kasi ito dahil puros carbohydrates ang kanin, pero wala namang gaanong sustansya at fiber. Kasama dito ang puto. Aray ko. Mas maganda kung ang gamitin either brown o red rice, o kaya basmati rice galing india dahil mas marami siyang fiber. O kaya, basta MALILIIT na servings lang talaga ng bigas.

    Pero siguro ang tanong mo, e paano ako mabubusog? Eto ang sagot ko!

  • Karne tulad ng baka at kambing, yung tinatawag na (red meat).
E kung lahat ito bawal, ano ang pwedeng gawin? Eto!

1 comment:

joi racaza said...

kamusta??natutuwa ako kasi talagang pinilit mong panindigan na itagalog ang mga salita..sa totoo lang mahirap!nagkaroon tuloy ako ng karamay kasi nagtratranslate din ako ng lesson ko para sa public health namin,,ang hirap talaga,,ang dahila naman kaya ako magiiwan ng komento ay dahil:
-bakit napabilang ang kanin sa bawal na kategorya?o iniiwasan??
ibabahagi ko lang ang karansan ko at natutunan ko sa nutrition1 namin,ang CHO ang pinaka mabuting pagkukunan natin ng enerhiya,maliban pa dito,ito ang "protein sparer" ibig sabihin hindi natin nagagsta ang magandang dulot ng protina(builds and reprair kapag may sakit tayo..)dahil imbis sa protina tayo kumuha ng lakas ay sa carbohydrates nalang.
kaya imbis na iwasan natin ang kanin o ano mang produktong maputi ay dapt natin syang ikonsumo.SUBALIT-sa tamang dami..
nguyain ng mabuti para di maparami..hehehe
yun lang naman..
salamat pala dahil may tagalog translation ka ng food guide pyramid!=D