- Sa halip na kumain ng tatlong beses isang araw, kumain ng mas madalas (5-7 a day) pero ng mas kaunti. Ngunit dapat kumpleto pa rin sa sustansya ang bawat kain. (Ibig sabihin, dapat balanse pa rin ang carbohydrates sa protina sa fats, maski kaunti lang ang kinakain.)
- Kumain ng mga pagkain na mas mabigat sa tiyan at siksik na siksik sa sustansya: mga mani, mga maiitim at mabibigat na tinapay tulad ng rye bread, mga berdeng-berdeng gulay. Maganda rin ang brown o red rice, dahil sa fiber na dulot nito.
- Iba ang gutom sa takaw. Iba ang mabusog dahil nakuha na ng katawan mo ang kailangan niyang sustansya; iba ang mabusog dahil wala nang space ang tiyan mo.
Pakinggan mo ang pangangailan katawan mo. Kapag madalas at maingat kang nakikinig, maiintindihan mo kung kailan kailangan ng katawan mo ang protina, kung kailan kailangan nito ng iron, o sugar, o Vitamin B12, o calcium. Promise, totoo ito! - Kung maingat na maingat tayo sa ating kinakain, once a week pwede tayong mag-splurge. Maski ano, pwedeng kainin... pero for one day lang!
Aminin natin: sa sistemang ito, marami sa ating mga native na kakanin ay bawal kainin. Bawal ang kutsinta, ang suman, ang puto, ang chicharon. Kaya once a week, okay lang na maging medyo baboy tayo. Pero dapat, "you have to earn it". - Mag-ehersisyo. Naku, I can't even begin to emphasize how important this is. Kung maingat kang kumain at hindi ka naman nakakakuha ng ehersisyo, bale wala rin ang pag-iingat na ginagawa mo. Para mo na ring inuukit ang sarili mong lapida. Three to four hours a week ng cardiovascular exercise ang kailangan.
para sa mga taong may diet restrictions (tulad ng mga diabetics), at sapagkat hindi tunay na solusyon ang Kremil-S sa hindi wastong pagkain. (Pasensya na lang sa baluktot na pagsasaling-wika ko!)
Sunday, July 29, 2007
E paano ba tayo mabubusog niyan?
O, ipinagbawal na natin ang puting kanin at ang tinapay. E paano pa ba tayo nito mabubusog?
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment