- Okay lang naman ang "stir-frying", yung mabilis na pagsaing, basta KONTING-KONTi lang talaga ang mantika. Maximum 1 teaspoon.
- Sa halip na magprito: mag-ihaw, mag-bake, ilaga (o kaya steam),
- Kung pupuwede, i-steam ang mga gulay sa halip na ilaga. Maraming vitamins at minerals ang nasisira at nawawala sa paglalaga.
- Kung tinapay ang habol, bumili na lang ng mga maiitim at mabibigat na tinapay tulad ng rye bread ay pumpernickel. Mahal nga lang, pero mas masustansya at nakakabusog
para sa mga taong may diet restrictions (tulad ng mga diabetics), at sapagkat hindi tunay na solusyon ang Kremil-S sa hindi wastong pagkain. (Pasensya na lang sa baluktot na pagsasaling-wika ko!)
Monday, July 30, 2007
Mga Okey
Mga Bawal
Iwasan o ipagbawal natin ang:
- Fried foods (alam ko mahilig ako sa prito, pero dapat talaga siguro once a month lang)
- mayonaisse
- margarine (mas mabuti pa ang olive oil, o kaya butter)
- maski ano na may white flour. Yes! Maski tinapay! At biscuit! At pasta! Masama ang white flour para sa kalusugan.
- asin
- processed foods at mga artificial foods. kasama na dito ang
- instant noodles (waaaaaahhhh!) (mas maganda pa ang mani, hilaw na gulay, prutas, at iba pa)
- de-lata na karne, isda, atbpa (palitan na lang natin ng tofu)
- mga chicheria tulad ng Chippy, Piattos, at iba pang ubud ng sarap na pagkain (mas maganda pa ang mani, hilaw na gulay, prutas, at iba pa)
- Eto ang pinakamahirap iwasan: white rice, at anything na gawa sa white rice. Masama ang kasi ito dahil puros carbohydrates ang kanin, pero wala namang gaanong sustansya at fiber. Kasama dito ang puto. Aray ko. Mas maganda kung ang gamitin either brown o red rice, o kaya basmati rice galing india dahil mas marami siyang fiber. O kaya, basta MALILIIT na servings lang talaga ng bigas.
Pero siguro ang tanong mo, e paano ako mabubusog? Eto ang sagot ko! - Karne tulad ng baka at kambing, yung tinatawag na (red meat).
Sunday, July 29, 2007
Pinoy dishes na okay sa ganitong diet
Ito ang mga pagkain na gustong-gusto ko dahil masustansya at masarap sila:
- Monggo na may malunggay (pwedeng bawasan o iwasan ang chicharon na usually hinahalo)
- Ensaladang ampalaya at kamatis (bawasan ang o huwang na lang lagyan ng asin o bagoong)
- Ensaladang kamatis at talong na inihaw (bawasan ang o huwang na lang lagyan ng asin o bagoong)
E paano ba tayo mabubusog niyan?
O, ipinagbawal na natin ang puting kanin at ang tinapay. E paano pa ba tayo nito mabubusog?
- Sa halip na kumain ng tatlong beses isang araw, kumain ng mas madalas (5-7 a day) pero ng mas kaunti. Ngunit dapat kumpleto pa rin sa sustansya ang bawat kain. (Ibig sabihin, dapat balanse pa rin ang carbohydrates sa protina sa fats, maski kaunti lang ang kinakain.)
- Kumain ng mga pagkain na mas mabigat sa tiyan at siksik na siksik sa sustansya: mga mani, mga maiitim at mabibigat na tinapay tulad ng rye bread, mga berdeng-berdeng gulay. Maganda rin ang brown o red rice, dahil sa fiber na dulot nito.
- Iba ang gutom sa takaw. Iba ang mabusog dahil nakuha na ng katawan mo ang kailangan niyang sustansya; iba ang mabusog dahil wala nang space ang tiyan mo.
Pakinggan mo ang pangangailan katawan mo. Kapag madalas at maingat kang nakikinig, maiintindihan mo kung kailan kailangan ng katawan mo ang protina, kung kailan kailangan nito ng iron, o sugar, o Vitamin B12, o calcium. Promise, totoo ito! - Kung maingat na maingat tayo sa ating kinakain, once a week pwede tayong mag-splurge. Maski ano, pwedeng kainin... pero for one day lang!
Aminin natin: sa sistemang ito, marami sa ating mga native na kakanin ay bawal kainin. Bawal ang kutsinta, ang suman, ang puto, ang chicharon. Kaya once a week, okay lang na maging medyo baboy tayo. Pero dapat, "you have to earn it". - Mag-ehersisyo. Naku, I can't even begin to emphasize how important this is. Kung maingat kang kumain at hindi ka naman nakakakuha ng ehersisyo, bale wala rin ang pag-iingat na ginagawa mo. Para mo na ring inuukit ang sarili mong lapida. Three to four hours a week ng cardiovascular exercise ang kailangan.
Subscribe to:
Posts (Atom)